Bakit lagi ko na lang itong ginagawa
Wala naman akong dapat ipagmalaki
Kundi ang pag-aaral ko na lagi na lang akong nawawala
Kaibigan tulungan mo ako na makaiwas dito
Upang pangarap ko nama'y makakamtan ko
Hilain mo ako sakaling napunta ako sa iba
Na punong-puno ng lakwatsa
Walang ibang iniisip kundi maging masaya
Kaya buhaynilay' nasasabayan ko na walang
NAPAPALA---
MGA Estudyanteng Pasaway
- Jilly Mae Pampangan
Tuesday, November 27, 2018
Enrolment, dumami sa KNHS
Dumami ang enrollment ng Mataas na Paaralan ng Kisante sa taong pampaaralan 2018-2019 bunsod ng karagdagang strand na ibinilang sa Senior High na ang Humanities and Social Sciences (HUMSS). Mula sa kabuuang 849 noong nakaraang taong pampaaralan, ngayon ay umaabot na ito sa 926.
Halos di makahulugang-karayom kung titingnan mo ang dating lugar na pinagdausan ng pagpaitaas at baba ng watawat sa dahilang dumami nga ang bilang ng mga mag-aaral at mga guro.
Sa kasalukuyan ay naihandog na rin ang TVL sa baitang 11 at 12. Tampok dito ang cookery, Electrical Installation and Maintenance, at Shielded Metal Arc Welding. Naidagdag na rin dito ang Humanities and Social Sciences (HUMSS).
Monday, November 26, 2018
KNHS - SH bagong gusali, binuksan

Dinaluhan naman ito ng mga guro mula Junior High School at Senior High School ng nabanggit na paaralan pati na rin ang mga mag-aaral mulang baitang 7-12, mga kagawad ng barangay, opisyales ng PTA sa pamumuno ni G. Bernie S. Lagada - ang pangulo.
Ang nabanggit na aktibidad ay nagkaroon ng konting salo-salo sa culinary arts building upang ganap na mas makabuluhan ang nasabing okasyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)